Online Lending Apps: Utang Ngayon, Pighati Bukas

“Wag Mo Na Subukan, Masisira Lang ang Buhay Mo”

(Personal na Karanasan sa Online Lending Apps)

“Wag mo na subukan, masisira lang ang buhay mo.” Iyan ang madalas mong mabasa sa mga comment sections ng sikat na social media platforms. Pero, ano nga ba talaga ang mga online lending applications? Nakakatulong ba sila? Paano mo malalaman kung legit ang isang app?

Disclaimer

Lahat ng ibabahagi sa blog na ito ay base lamang sa personal na karanasan ng writer. Ang layunin ay makapag-share ng tips at kwento na maaaring makatulong o mapulutan mo ng aral.

Ano nga ba ang mga Online Lending Apps?

Ang mga ito ay mga applications na makikita mo sa iyong Google Play Store, na pangunahing layunin ay magpautang. Pero kailangan mong mag-ingat — hindi lahat ng app ay legitimate, at minsan sila pa ang magpapahamak sa iyo.

Reminders Bago Subukan

  • Siguraduhin na legal ang app. Mag-research tungkol sa pangalan at kumpanya.
  • Check sa SEC (Securities and Exchange Commission). Tanging SEC-registered companies lang ang legal na makakapag-operate. (Check it with SEC)
  • Double-check: Kontakin ang company kung legit ang app nila or kung affiliated ang app sa kanila..
  • Basahin ang Google Play Store reviews. Huwag basta maniwala sa 5-star reviews; tingnan ang mga 1-star feedbacks.
  • Maghanap ng real experiences sa social media. Basahin ang mga kwento ng ibang users.

Permissions

Pagkatapos mong mag-install ng lending app, kadalasan ay hihingi ito ng access sa:

  • SMS
  • Phone Calls
  • Contact List
  • Camera
  • Location

Advice: Gumamit ng smartphone na walang sensitive contacts, o gumamit ng secondary user account para protektado ang iyong impormasyon.

Personal Details

Kapag nag-register ka, hihingin nila ang iyong:

  • Pangalan, Birthdate, Email, Contact Number
  • Educational Background
  • Work/Job Information (Company Name, Salary Range, Contact Info)
  • Selfie Verification
  • Valid ID
  • Contact References

Notes: Ang lahat ng contact numbers na ilalagay mo ay maaaring gamitin sa verification o collections.
Reminder: Magpaalam muna sa may-ari ng numbers na iyong ilalagay bilang reference.

Personal Warning: Naranasan ko na ginamit laban sa akin ang aking selfie at ID — pinagbantaan akong ipakalat ito sa social media platforms. Kaya pag-isipan mong mabuti bago mag-submit ng mga sensitive na impormasyon!

Loan Information

Sa part ng online lending app, makikita mo ang iyong credit limit — ito ang halaga na maaari mong hiramin.

Importanteng I-check:

  • Loan Due Dates o Amortization Duration: 7 days? 14 days? 90 to 120 days?
  • Tip: I-click ang loan details at basahin mabuti. Kung nakalagay na 90 to 120 days, Magduda ka na.

Warning: May mga lending apps na nagsasabing “90–120 days” ang term, pero halos buong amount ng loan ay kailangang bayaran agad sa unang due date.

Sample Computation (Base sa Experience):

  • Loan Amount: ₱1000
  • Date Released: April 28
  • 1st Installment: ₱900 (Due on May 5, 2025)
  • 2nd Installment: ₱100 (Due on June 5, 2025)

Interest

  • Nominal Interest Rate Ceiling: 6% bawat buwan (o -0.2% bawat araw), ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Circular No. 1133.
  • Tip: I-compute ang posibleng interest bago ka umutang.
  • Personal Experience: May mga app na umaabot sa 2% interest per day — sobrang taas kumpara sa legal limit!

Hidden Fees

  • Mag-ingat sa mga apps na may admin fee, processing fee, at iba pang hidden charges.
  • Example: Sa ₱1000 na loan, posibleng ₱800 lang talaga ang ma-receive mo matapos kaltasan ng admin at interest fees.

Additional Reminders

  • Iwasan ang 7-day loan duration kung sweldo mo ay kinsenas-katapusan.
  • Basahing mabuti ang terms and conditions bago i-submit ang application.

Kung Nahuli Ka Na sa Reminders…

Kung nakapag-loan ka na bago mo ito nabasa, huwag kang mag-panic. Sa susunod kong blog post, ibabahagi ko ang:

  • Tips sa maayos na repayment
  • Paano i-handle ang harassment ng collectors
  • Legal options para protektahan ang sarili

Final Tips

  • ✔️ Always research bago umutang
  • ✔️ Protektahan ang iyong privacy
  • ✔️ Pag-isipan ng mabuti ang bawat step

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *