Singil o Sindak? Ang Madilim na Mukha ng Online Lending Apps

Online Lending Apps, Nanghaharass ba sila sa oras ng Collection?

Online Lending Apps. Ito ang mga applications na maari mo mapag-utangan sa pamamagitan ng pag install nito sa iyong smart phone. Noong Pandemic bigla na lamang nagsulputan ang mga online lending apps. Kaliwa’t Kanan ang mga advertisement sa mga social media platforms. Ngunit sa mga napapabalitang nar-raid na collection agencies safe pa ba ito gamitin? Ano-ano nga ba ang mga cautions o mga dapat mo malaman kung ikaw ay mayroon ng utang sa isang lending app?

Repayment

Maging Responsable sa Repayment ng iyong pagkakautang, You can repay thru various channels maari kang mag-bayad using QR Codes, E-wallets at online banking. Mag-generate lamang ng payment code sa iyong lending app. Huwag maniniwala sa mga email na nagbibigay ng QR code o nagsasabi na doon ka na lamang magbayad. Malaki ang chance na ito ay scam lamang.

Reminders sa Iyong Due Date.

Ang borrower ay required na magbigay ng personal informations kasama dito ang Contact Number at Contact References mo.

  • Sa iyong Due Date may agent na naka assign sa account mo para ikaw ay i-remind, i-text o tawagan ka sa iyong nominated contact number. Usually ang text message ay naglalaman ng iyong pangalan, Due date, at amount na Due mo bayaran ng araw na ito.
  • Ideally, kung ikaw ay hindi nila macontact o makitaan ng repayment ang mga agent ay nagreresort sa pagtext o pag tawag sa binigay mong Contact References.

Ang Tapal System ay ang term na ginagamit ng borrower na ang ibig sabihin ay ang pag-utang nila sa ibang online lending app para mabayaran ang nauna pang online lending app. Sa una ito ay manageable pa pero ito ay magccause lamang ng pagdami ng iyong online app at di maiwasan na pagkalito mo sa iyong due dates. Dahilan para ikaw at malubog sa utang.

NOTE: Kung ikaw ay wala pang kakayanan na bayaran ito. I recommend na makiusap ka sa iyong agent. Wala naman problema ang hindi nadadaan sa mabuting pakikipagusap. Ipaalam sa iyong agent ang iyong problema at mag email sa kanilang customer service ukol dito.

Kung ikaw ay nasa isang tapal system na narito ang mga tips ko sayo.

  1. Ilista o gumawa ng spreadsheet ng iyong mga utang, isama ang mga due date at magkano pa ang babayaran mo rito.
  2. Magdagdag ng extra income.
  3. Magbenta ng mga gamit na hindi mo na ginagamit upang may ipandagdag sa pangbayad.
  4. Itigil ang tapal system. Kung darating na ang due. hangga’t maari makipagugnayan sa lending company para ikaw ay matulungan nila.
  • Paka tandaan na ang legitimate na email at contact number lang nila ang iyong ireach out. Makikita mo ito mismo sa app under ng Contact Us or Help Center.
  • Huwag gawing reference ang social media platforms sa pagkuha ng email o contact number. Maari kang mascam.
  • Huwag agad maniwala sa posts na pinayagan ibalik ang principal na kinuha tapos magbibigay ng email address. Maari kang mascam.
  • Huwag maniwala sa “Bura-Bura” gang ito yung mga tao sa social media na nag-aalok na burahin daw kuno ang iyong utang sa system o software ng online lending app. Ito ay isang uri ng Scam.

Cautions

Now, I’m sending you a clear warning, Kung hindi mo naresearch ang lending app na iyong inutangan kahit man lng sa social media platforms. Matakot kana.

Harassments

Kalimitan kung issearch mo ang isang online lending app sa social media. Texts ng Harassments nila ang unang unang lalalabas. Nanghaharass nga ba talaga itong mga ito? Sa aking naranasan may iilang lending app na nadadaan sa maayos na pakikipagusap. Ngunit ako rin ay nakaranas na maharass. at mapagbantaan para lamang makapagbayad on due.

Agents tend to be persistent sa pag papaalala ng ating obligations sa ating pagkakautang, Ito at Normal lamang, iyan ang kanilang trabaho. Ngunit ano nga ba ang batayan para matawag na harrassment ang isang text o tawag mula sa mga agents?

  1. Pagmumura.
  2. Pananakot.
  3. Pagbabanta sa maling pag gamit ng selfie at id pictures na ikakalat ito sa social media.
  4. Pagbabanta sa iyong buhay.

Ang mga image na nasa ibaba ay isa lamang sa mga personal harassments at death threats na aking natanggap. Ang isa ay supposed to be due next day pa at yung isa ang due ay yung araw din na yan. Sana kapulutan nyo ng aral ang aking mga naranasan at huwag nyo ng tangkain ang paghiram sa illegal na online lending app.

Death Threat
harassment1

Harassments thru Social Media

Maraming Agents na din ang gumagawa ng paraan para ikaw ay harassin sa iyong utang, Kabilang dito ang pagppost sayo sa social media platforms kung saan ka nila makikita, pag gawa ng group chats ng iyong friends list at ikaw ay singilin sa loob ng group chat. ang layunin lang nito ay mapahiya ka sa lahat ng kakilala mo.

Maari mo itong maiwasan sa pag lock o pag private ng iyong social media account, baguhin ang customize link ng iyong account.

Mga Dapat Gawin kung ikaw ay nakakatanggap na ng Harassments at Death Threats

  1. Ipunin, Huwag Burahin ang mga harassment messages, Evidence mo ito. Itanong mo kung online lending app sila at isama mo ito sa iyong screenshots.
  2. Kung ito ay harassment o death threat ay nangyari sa isang call, i-record ang susunod na tawag nito. Ang wire tapping law sa Pilipinas ay may exceptions kung ikaw ay kasama sa loob ng conversation na iyon.
  3. Makipag ugnayan sa legitimate email address o customer service ng online lending app. Mag file ng official Complaint at i-attached ang iyong evidence.

Kung ang lending company ay tahasang tinatanggi ang iyong complaint. Maari ka ng mag file ng complaint sa mga appropriate na Government Agencies.

The SEC or Securities and Exchange Commission is a government agency that protects people from scams and abusive financial practices. Dapat registered dito ang online lending company na inutangan mo. kung hindi isa itong malaking red flag.

Maari kang mag file ng Complaint sa SEC tungkol sa inyong haraassment sa pamamagitan ng mga sumusunod.

  1. https://imessage.sec.gov.ph/
  2. [email protected]

National Privacy Commission ang nagiinsure na mapatupad ang data privacy act. Kung ikaw ay npagbabantaan tungkol sa iyong personal information, ID at selfie isa ang national privacy commission sa maaring makatulong saiyo.

A formal complaint needs to be filed in a specific format. You may use the downloadable form below and follow these steps:

1. Download this form
2. Print and fill out
3. Have it notarized
4. Then submit to NPC (3 options):
in person send via courier service, or scan and email it to [email protected]

Ang part na ito ay galing sa mismong page ng National Privacy commission sa link na ito: https://privacy.gov.ph/filing-a-complaint/

Philippine National Police. Kung ang texts o calls ay my involvement ng pagbabanta sa iyong buhay o ng iyong pamilya. Dahil ang Death at Grave threats ay isang krimen. Maghain ng formal na reklamo o blotter.

Print at isama mo ang mga sumusunod.

  1. Screenshots
  2. Call Logs
  3. Recording ng threat kung ito ay naganap via call.

NBI Cybercrime Division,Pwede ka ring mag-report sa NBI lalo na kung ang banta ay galing sa online sources tulad ng apps, SMS, o social media. Maari kang mag file online https://nbi.gov.ph/contact/ o personal na pumunta sa pinaka malapit na tanggapan nito.

Obligasyon natin bayaran ang anumang utang na ating hiniram, Ngunit as a Borrower tayo ay may mga karapatan din.

⚖️ Mga Karapatan ng Borrowers sa Pilipinas

1. Karapatang maipaliwanag ang mga terms ng utang
  • Dapat malinaw ang mga terms and conditions ng utang: interest rate, due date, penalties, at total na kailangang bayaran.
  • Hindi dapat malabo o nakakalito ang kontrata.
2. Karapatang sa tamang interest rate lamang
  • Ang interest rate ay dapat makatarungan. Ayon sa BSP, dapat ito ay hindi abusive at dapat ipinapahayag sa borrower bago pirmahan ang kasunduan.
3. Karapatang hindi ma-harass o mapahiya
  • Bawal ang pananakot, pambabastos, pag-post online ng utang mo, pag-contact sa family or friends para maningil — ayon ito sa:
    • Republic Act No. 10173Data Privacy Act
    • SEC Memorandum Circular No. 18, Series of 2019 – nagbabawal sa abusive collection practices
  • Maari ka na hindi na sumagot sa tawag o texts ng harassment.
4. Karapatan sa privacy
  • Hindi basta-basta puwedeng i-access ng lending app ang iyong contacts, photos, o ibang personal data.
  • Kung ginamit nila ito para manakot o mapahiya ka, maaari silang i-report sa National Privacy Commission (NPC).
5. Karapatang magreklamo sa tamang ahensya
  • Kung naagrabyado ka, maaari kang maghain ng reklamo sa:
    • SEC – laban sa lending companies
    • NPC – para sa pag-abuso ng personal data
    • PNP/NBI – para sa criminal threats o harassment
    • DSWD o barangay – kung may psychological abuse o panggigipit
6. Karapatang hindi magbayad ng hindi pinagkasunduang charges
  • Hindi puwedeng magdagdag ng charges, fees, o penalties na wala sa kasulatan o kontrata.
7. Karapatang bayaran sa tamang paraan
  • May karapatan ka sa malinaw at legal na paraan ng pagbabayad. Hindi ka dapat puwersahin o gipitin.

Tibayan mo ang loob mo. Huwag ka magpapadala sa pananakot na iyong natatanggap. Hindi Solution ang suicide o ano mang self harm.

Sabihin sa pinagkakatiwalaang tao ang iyong problema maaring ito ay ang pamilya mo o ang asawa mo. Makakatulong saiyo na my kausap ka tungkol dito at maari ka pa nilang tulungan sa pag f-file ng reports.

Iwasan ang too much na pag ssearch ukol sa mga harassment.

Huminga at mag pause. Inhail .. Exhale.

Wag ka magbubura ng kahit anong text na my harassment, kung ayaw mo ito mabasa maari mo itong i block sa isang iyong messages o call settings.

Mag-search ng Free Mental Health Support Group

  1. National Center for Mental Health (NCMH): 1553 (free hotline, 24/7)
  2. Mental Health PH: www.mentalhealthph.org
  3. Philippine Mental Health Association: may regional branches na nagbibigay ng counseling.

Huwag Magpanic. Ilista ang mga dapat mong gawin at gawin mo ito ng paisa isa.

📌Final Tips
  1. Document Everything.
  2. Mag File ng Complaint.
  3. Know your Rights.
  4. Pahalagahan ang iyong Mental Health.
  5. Huwag Magpanic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *