Ang PhilHealth ay isang programa ng Pamahalaan ng Pilipinas na naglalayong magbigay ng abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino. Nag-aalok ito ng maraming benepisyo na hindi pa alam ng karamihan. Kung ikaw ay may PhilHealth number ngunit hindi ka pa nakarehistro sa kanilang online portal narito ang Step-by-step Guide ni Tita 🌸
Disclaimer: Screenshots are used for educational purposes only. All content remains the property of the respective government agency.
PhilHealth
- I-click o pumunta sa link ng PhilHealth Website – https://memberinquiry.philhealth.gov.ph/member/
- I-click ang Create Account.

3. I-Fill in ang Basic Information.

4. Ilagay ang iyong password.
5. I-Enter ang CAPTCHA number sa Ibaba.
6. Double check ang mga Information.
7. I-Click ang Create Account Button.

8. Ang next screen ay magsasabi na kailangan mo i-activate ang account mo. Ang PhilHealth ay mag- sesend ng Activation Email sa iyong nominated Email account. I-click lamang ang activate Account doon.

9. I-click ang Back To Log In Button.
10. Ilagay ang Philhealth Number, Password at Captcha at I-Click ang Log In Button.
11. Dito sa susunod na screen makikita mo na ang Personal Information mo, Maari ka din mag Print ng MDR.
Sa Kaliwang Bahagi, Makikita mo ang Menu na my items na premium contribution, Member Information, KonSulta.
Maari makita ang iba pang impormasyon tungkol sa Konsulta sa link na ito https://www.philhealth.gov.ph/konsulta/

Panoorin ang Philhealth Video para sa Konsulta Benefits.
Wakasan na ang abala—magparehistro na!
Ngayong alam mo na kung paano gumawa ng PhilHealth online account, siguraduhing magrehistro na para ma-access mo agad ang iyong impormasyon at magamit ang mga benepisyong para sa’yo. Sayang naman kung may libreng serbisyo na puwede mong magamit pero hindi mo alam, ‘di ba?
Para sa iba pang detalye o tanong, puwede mong bisitahin ang PhilHealth website o kontakin sila gamit ang mga info sa link sa ibaba.
Para sa Karagdagang information maaring kontakin ang philhealth numbers sa link na ito. https://www.philhealth.gov.ph/about_us/